Commute? It’s more exciting in the Philippines!
Sa sobrang pagka malikhain ng mga Pinoy, ang mga US military jeeps noon ay nagawa nilang jeepney ngayon. Mga jeep na may samu’t saring kulay at disenyo, personalized din kasi nakasulat ang mga pangalan ng kapamilya, may radio at speakers para sa sounds, may rosary at sampaguita na nakasabit at kung ano ano pa. Marami na ring innovations, may mga jeepney na parang bus ang design, may “pull the string” kung papara na, may mga airconditioned at meron naring E-Jeepneys. Wala sigurong Pinoy ang hindi pa nakaranas na sumakay sa jeepney kahit 1 beses sa buong buhay nya, kung meron man.. I feel for them, they missed ¼ of their lives.
Sa araw araw siguro na pagsakay ko sa jeep, nabigyan ko na ng labels ang mga taong nakakasakay ko. Well, ganyan talaga... observant eh!
1. The frowning face – Eto ang mga taong pagsakay ay maayos naman then in a spilt of seconds, nakakunot na ang mga noo at di na maipinta ang mukha, tingin ng tingin sa relo dahil nagmamdali na at nagpupuno pa ng pasahero si Manong Driver o kaya nama’y bad trip na sila sa traffic kasi hindi halos gumalaw ang jeep. Minsan nakakainis sila tingnan dahil sa contagious nilang mood.
2. Chillax – Eto ang mga taong pagkasakay at pag abot ng bayad, isusuot na ang earphones at makikinig ng music. Yung iba naman nakatutok lang sa cellphone nila O kaya naman may dalang kung anong gadget at maglalaro hanggang makarating sila sa kanilang destination. Hindi sila naka frown at chill lang dahil may sarili silang mundo.
3. Sleepy Head – Obviously, eto ang mga taong pag umandar na ang jeep, hudyat na yun ng pagtulog nila. May taglay na psychic powers tong mga to dahil nagigising na sila pag malapit na silang bumaba.
4. Chikadoras – Kabaligtaran naman ng katahimikan ni Sleepy Head, eto ang mga taong walang ginawa kundi mag chikahan throughout the ride. Madalas kahit sila lang ang nag uusap, lahat ng tao sa jeep parang kwinekwentuhan nila . Sa lakas ng boses nila, bago sila bumaba updated ka na sa latest happenings sa office nila, sa bahay nila o sa buhay ng taong pinag uusapan nila.
5. U-si – Eto ang mga taong imbes na sa kalye nakatingin ay pinipili na lang na pagmasdan ang mga pasahero. May mga nakikinig sa usapan ng chikadoras, nakikibasa ng text ng katabi at kung ano ano pang paguusisero.
6. Lovers in Jeepney – Mga couples na pag sumakay ay parang walang ibang tao sa jeep kundi sila. Nakapulupot na nga na parang mawawala ang isa’t isa, maya’t maya pa ang harutan at lambingan. May mga kisses moment pa sa noo, balikat, pisngi o kaya sa labi. Kairita much! TSE!
#bitterlang
<photo: courtesy of life in photos blog>
7. Martyr – Eto ang mga pasaherong nagsasuffer sa pagiging chubby ng iba o sa kaartehan ng iba sa pag compress at pag – usod. (Pero minsan, wala na talagang space, ipipilit pa.) Dahil sila ang huling sumakay, kailangan nilang pagkasyahin ang kanilang sarili sa pag maliit na space. May suspense thriller effect to, nakakatakot kasi parang anytime mahuhulog na sila sa upuan.
8. Play Safe - Eto ang mga pasaherong, wala lang. Pagkasakay, nakatingin lang sa daan o kung saan man hanggang makarating sa pupuntahan nila. Tulaley lang sila pero ang isip at imagination nila malamang naka travel na sa outer space.
Ikaw, anong kwentong jeepney mo?